Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman

Kabanata 100



Kabanata 100

Nang sabihin iyon ni Madeline, ang mga ekspresyon ng kanyang mga katrabaho, maging si Elizabeth,

ay nagbago. Nakatingin sila kay Madeline na parang nakatingin sila sa isang kakaibang bagay.

"Itong babaeng to, masyado ka namang marahas!" Mapanghamak na sinabi ng ilang mga babaeng

katrabaho niya.

"Anong klaseng kamalasan ba ang mayroon si Meredith para makatagpo ng ganitong baliw. Lagi

siyang pinag-iinitan nito kahit saan."

"Totoo. Di mo lamang inagaw ang kasintahan ng iba, inabala mo pa si Meredith, sinabi mo pa na gusto

mo siyang patayin. Ang lala talaga niyan!"

"Dapat lumayo tayo sa kanya, para kapag nabaliw siya di niya tayo madamay."

Tahimik na nakaupo si Madeline sa kanyang upuan, nakikinig sa mga salitang sinasabi sa kanya.

Hindi siya nagsalita at tumayo lamang.

Nang makita siyang gumalaw, ang mga babaeng katrabaho niya na kanina pa nagsasabi ng mga

katotohanan at kasinungalingan tungkol sa kanya ay nagmadaling tumakbo, sa takot na baka kung ano

ang gawin sa kanila ni Madeline.

Natawa si Madeline sa nangyari. Pagkatapos, lumabas siya.

Pumunta siya kay Felipe at nang makita na dumating si Madeline, binati siya ni Felipe at magalang

siyang inalok na umupo.

Tumitig siya at napansin niya ang balisang mukha ni Madeline at ang dalawang malalim at pulang

bakas ng kutsilyo sa kanyang kanang pisngi. Nabigla si Felipe.

"Anong nangyari?" Tanong niya, tunay na nag-aalala.

Ngumiti si Madeline at umiliny. "Ayos lang ako, Mr. Whitman. Pumunta ako dito para sabihin sa iyo na

gusto ko nang magresign."

"Resign?" Naguguluhang tumingin si Felipe kay Madeline. "Bakit?"

"Ayaw kong maapektuhan ang takbo ng buong department dahil sa presensya ko. Siguro naman may

nakita kang mga negatibong komento tungkol sa akin nitong nakaraan?"

Nang marinig ang sinabi ni Madeline, mukhang may naunawaan si Felipe.

"Salamat, Mr. Whitman, sa pag-aalaga at pagtulong sa akin hanggang ngayon. Mag-iimpake na ako at

kaagad na akong aalis."

"Madeline."

Pinigilan ni Felipe si Madeline na kakatalikod lang para umalis.

"Naniniwala ako sa iyo, hindi mo kailangang magresign."

Huminto sa paglalakad si Madeline, uminit nang bahagya ang kanyang mga mata.

Naniniwala ako sa iyo.

Matagal na niyang nais na marinig ang mga salitang ito nitong nakaraang mga taon.

Sa wakas ay narinig na niya ito, ngunit hindi ito nanggaling sa bibig ni Jeremy.

"Para sa annual meeting ng kompanya nitong Biyernes ng gabi, ikaw at ako ang dadalo."

Gulat na tumingin si Madeline sa lalaki. Sumasakit ang sugat niya sa mukha.

Anong karapatan ang mayroon siya na makasama ang ganito kahanga-hangang lalaki sa ganito

niyang mukha?

Kaagad na tumanggi si Madeline, ngunit mapilit si Felipe.

Pag-alis mula sa trabaho, binalot ni Madeline nang mahigpit ang pisngi niya ng scarf at hindi siya

naglakas-loob na tumingin sa kahit na sino.

Natural sa babae na mahalin ang kagandahan. Kahit na wala na siyang pake sa kanyang itsura noong

una, walang babae ang makakatanggap na sira ang kanyang mukha.

Tinakpan ni Madeline ang kanyang pisngi at bumalik sa kanyang tahanan. Sa sandaling papasok na

siya, nakita niya ang isang pamilyar na kotse na pumarada sa gate.

Tila ba napuno ng bala ang paa niya sa isang iglap at di ka siya makagalaw. Kaagad na nawala sa Copyright by Nôv/elDrama.Org.

ayos ang tibok ng puso niya, walang-tigil sa pagtibok.

Bumaba ang bintana ng kotse, nalantad ang gwapong mukha ni Jeremy. Nagtago si Madeline sa likod

ng haligi sa takot at namutla ang kanyang mukha.

Nang isipin ang nagwawagayway na puting niyebe nitong nakaraang araw, habang nasa harapan niya

ito na parang isang demonyo, ang pagsira nito sa abo ng kanyang anak, kinagat ni Madeline ang

kanyang labi at nangatog nang matindi ang kanyang mga kamay.

Ngayong nandito na ito ulit, di na niya matiis ang ganitong pagpapasakit at sugat.

Naghintay si Madeline na umalis si Jeremy, ngunit hindi ito umalis.

Nang dumilim ang langit, nakaalis na si Madeline sa wakas matapos makitang sumagot ng tawag si

Jeremy.

The Novel will be updated first on this website. Come back and continue reading tomorrow, everyone!

Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.