Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman

Kabanata 75



Kabanata 75

Madilim na sa labas at tinulungan ni Madeline ang lasing na si Ava papasok sa taksi.

Paglingon niya, nagulat siya nang makita niya si Jeremy na nakatayo sa tapat ng pintuan.

Nakatanday siya sa kanyang kotse. Ang isa niyang kamay ay nasa kanyang bulsa habang ang isa

naman ay may hawak na sigarilyo. Nakasindi ang dulo ng sigarilyo bago ito unti-unting maglaho sa

gabi. Mukha siyang malungkot.

Lumukso ang puso ni Madeline. Hindi niya alam kung kinakabahan ba siya. Gusto niyang lumayo kay

Jeremy pero nakita na siya ng lalaki.

Malamig ang titig niya kay Madeline. "Sakay."

Lagi niya siyang inuutusan, hindi niya hinahayaan si Madeline na makapili.

Kalmadong nilihis ni Madeline ang kanyang tingin. "Pasensya na, Mr. Whitman. Bukas na tayo mag-

usap. Gabi na masyado."

Kumunot ang noo ni Jeremy. Sa inis niya at tumayo siya sa harapan ni Madeline. "Ang sabi ko, sakay."

"Sino 'yan? Bakit ang ingay?" Mayroong nakaharang sa kanyang daanan kaya tumingala si Ava novelbin

habang lasing na lasing. Tinitigan niya sandali si Jeremy at bigla siyang humalakhak. "Nagtaka pa ko

kung sino ka. Ikaw lang palang g*go ka."

Pagkatapos niyang sabihin iyon, naramdaman ni Madeline ang inis ni Jeremy.

Nag-aalala siya na baka pagbuntunan ng galit ni Jeremy si Ava kaya kaagad siyang nagdahilan. "Ava,

lasing ka. Dadalhin na kita sa kama."

"Hindi ako lasing! At hindi rin ako nagkakamali! Siya yung g*gong 'yun, si Jeremy Whitman!" Galit na

tinuro ni Ava si Jeremy. Parang nagyeyelo na rin ang kanyang mukha. "Bakit ka nandito? Anong

ginagawa mo noong nagdudusa si Madeline? Ang alam mo lang ay kung paano hawakan yang kabit

mo!" Sumigaw si Ava kay Jeremy. Napakalakas ng kanyang boses sa gitna ng gabi.

Natataranta ba si Madeline. Kung magalit si Jeremy ay magdurusa rin si Ava sa Glendale.

"Ava, tama na. Halika na "

Hinila ni Madeline si Ava sa pinto. Subalit, napakabigat ang katawan ng isang lasing. Hindi maigalaw ni

Madeline si Ava kahit na ibuhos niya ang buo niyang lakas.

Pagkatapos makitang namumutla sa galit ang mukha ni Jeremy ay kaagad na nagsalita si Madeline,

"Jeremy, sasama ako sa'yo. Pero hindi ka dapat magalit kay Ava. Lasing siya at 'di niya alam ang

sinasabi niya."

"Sa tingin ko hindi siya lasing." Tinitigan nang masama ni Jeremy si Ava habang may pekeng ngiti sa

kanyang mukha.

"Jeremy, kung talagang lalaki ka, hindi ka gagawa ng gulo dahil sa isang babaeng hindi alam ang

kanyang sinasabi dahil sa kalasingan." Nag-aalala si Madeline.

Tumawa si Jeremy at bumuga ng usok. "Para lang akong papatay ng langgam kung gusto ko siyang

patayin."

Alam ni Madeline ang kayang gawin ni Jeremy, pero lasing na lasing si Ava ngayon. Tinitigan niya si

Jeremy nang hindi nagpapakita ng kahinaan. Nagpatuloy siya sa pagsasalita para ipaglaban ang

hustisya para kay Madeline.

"S-sige patayin mo ko! Burp.

"Jeremy Whitman, isa kang g*go! Higit pa roon, isa kang bulag na g*go!"

"Ava, 'wag ka nang magsalita!" Pinagpapawisan ang noo ni Madeline. Nagdidilim na ang mukha ni

Jeremy. Parang kahit na anong oras ay may darating na bagyo.

"Bakit mo ko pinipigilan? Matagal ko nang tinatago ang mga 'to sa puso ko! Gustong sabihin 'to lahat

ngayon!" Lasing si Ava at hindi nakikinig na para bang isang baka. Hindi lang sa hindi niya pinansin

ang sinasabi ni Madeline, gusto pa niyang labanan nang harapan si Jeremy.

"Jeremy, ang sabi ko hindi ka nararapat kay Maddie! Napakaganda niya at napakatalentado. Higit pa

roon, ikaw lang ang laman ng puso niya. Naghihintay siya sa'yo sa pagkaramiraming taon at hindi niya

sinira ang pangako niyo sa isa't-isa. Eh ikaw? Anong ginawa mo sa kanya?

"Nagdusa nang todo si Maddie bago siya makapagsimula ulit. Meron na nga siyang bagong trabaho

ngayon tapos gusto mo pang manggulo ulit sa buhay niya. Sino ka ba sa tingin mo? Sa tingin mo ba

walang nagkakagusto kay Maddie? Sasabihin ko sa'yo, merong daan-daang lalaki ang naghihintay sa

kamay ni Maddie kahit hindi mo siya gusto!"


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.