Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman

Kabanata 94



Kabanata 94

Bumangga ang sikmura ni Madeline sa kanto ng lamesa nang bumagsak siya s sahig at nangatog

nang may tumusok na sakit sa kanya at kumalat ang pabugso-bugsong sakit sa kanyang katawan.

Habang nahihirapang makatayo, sinampal siya ulit ni Mrs. Whitman bago pa niy maibalanse ang

kanyang sarili.

"Napakasama mong babae ka! Gagawin kong impyerno ang buhay mo kapag may nangyari sa apo

ko!" Galit na babala ni Mrs. Whitman, bago muling itulak si Madeline.

Habang nanghihina, bumagsak ulit si Madeline sa sahig nang itulak siya ni Mrs. Whitman. Sa

pagkakataong ito ang ulo niya ang tumama sa lamesa. Nahiwaan ang noo niya sa lakas ng

pakakatama at nagsimulang tumagas ang dugo mula sa kanyang sugat.

Nagsisulpot ang mga itim na tuldok sa kanyang paningin nang magpanting ang kanyang isipan.

"Ang sakit sa puso Jeremy! Bakit kailangan na lang palagi akong atakihin ni Madeline?" Nagsimulang

humagulhol at magreklamo si Meredith.

Dumaan muli kay Madeline ang nagbabanta at nakakatakot na titig ni Jeremy bago ito tumalikod para

buhaton ang maputlang Jackson.

"Huwag kang mag-alala magiging ayos lang ang baby natin." Dinamayan ni Jeremy si Meredith nang

maglakad siya palabas. "Huwag kang mag-alala pagbabayarin natin nang malaki ang may sala."

Nangako siya kay Meredith, isang pangakong nagpatibay ng nalalapit na wakas ni Madeline.

Habang gumegewang, tiniis ni Madeline ang sakit at tumayo. Nanginig ang kanyang puso nang

panoorin niya si Meredith na lumingon at matagumpay na ngumisi. Hindi niya inasahan na hihiwaan ni

Meredith ang mukha ng kanyang anak para lang masisi siya, pero iyon ang nakakagimbal na

katotohanan.

Gaano ba kasama ang isang tao para magawa ang ganito kawalang-awang bagay?

Nang isipin ang malaanghel na itsura ni Jackson, nakakatuwa at inosente, ay maaaring sira na novelbin

habambuhay ay nagpasikip sa dibdib ni Madeline.

Palihim siyang sumunod sa kanila papunta sa ospital. Pagkatapos hayaang takpan ng doktor ang

sugat niya sa kanyang noo, kaagad siyang pumunta sa emergency ward.

Pagdating niya, nakita niya ang isang nars na nagmamadali palabas ng ward.

Kumapit si Meredith sa nars, tumutulo ang mga luha sa kanyang mukha. "Kumusta ang anak ko nars?

Magkakapeklat ba ang mukha niya?"

"Ang pagpepeklat ang pinakamaliit na problema ngayon. Malaking dugo ang nawala sa bata at

kailangan niyang magpasalin, pero walang sapat na dugo ang ospital na aayon sa iyong anak. Bilang

kanyang nanay, ikaw…"

Bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Meredith at nagmadali siyang sumingit. "Gagawin ko Nars.

Gagawin ko! Pwede niyong kunin lahat ng dugo ko kung maililigtas nun ang anak ko!"

Haha.

Hindi mapigilan ni Madeline na matawa sa eksena sa harapan niya.

Ganun talaga kapeke si Meredith.

Ngunit ang napakapekeng pag-arte na ito ay naging isang napakagandang bagay sa paningin ni

Jeremy.

Nakasimangot na lumapit si Jeremy kay Meredith. "Meredith."

"Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa anak natin Jeremy!" Tumingin si Meredith kay

Jeremy nang may naluluhang mata at sumunod sa nars palabas.

At makalipas ang isang minuto ay lumabas siya. "Hindi pumayag ang doktor Jeremy. Hindi ko pwedeng

ibigay ang dugo ko habang nireregla ako."

Nagsimula siyang humagulgol, habang mahigpit na nakakapit kay Jeremy.

"Anong gagawin natin Jeremy? Paano kung mamatay ang baby natin? Bakit naman ganito kalupit si

Madeline? Bakit di na lang ako ang saktan niya? Bakit kailangan niyang saktan ang anak natin?"

Sa mga sandaling iyon, pinanood ni Madeline na umusbong ang pagnanasang pumatay sa pagitan ng

kilay ni Jeremy.

Nanakip ang kanyang puso at lumingon siya sa blood donation center nang hindi sila sinisipat.

Sa kaalamang kapareho niya ng blood type si Meredith, ang pambihirang RhAB blood type,

makakapagbigay siya para kay Jackson.

Matapos ang mabilis na pagtatanong, binanggit ng doktor ang pag-aalala nito tungkol sa problema

dahil sa kalagayan ng kanyang katawan.

Dahil dito, nagbigay si Madeline nh 500c.c na dugo para kay Jackson, at pagod na pagod ang kanyang

katawan para makalakad.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.