Her Name Is Monique

CHAPTER 7: Rank 3



(Patty)

Naglalakad ako sa hallway ng may marinig akong mga nag uusap about sa department namin di kalayuan sa Arts building. I don't know pero napahinto ako. Pinuntahan ko kung saan nanggagaling ang mga boses. Nasa gilid lamang sila ng entrance nitong building. Tatlo silang babae na nakasuot ng uniform katulad ng kay Lina. Fine Arts din ang course nila.

"Tina! What's her name again? The transferee in Zairin's department."

"I think her name is Patty Salvador? But I'm not sure." sabi ng babae na Tina ang pangalan.

Nagulat ako ng marinig ang pangalan ko. Natutop ko ang bibig para hindi makagawa ng ingay. Nagtago ako sa matataas na halaman malapit lamang sa kinaruroonan nila at sumilip. Bakit nila ako pinag uusapan? "What about her address? Her parents name? Their business? Anything about her, tell me."

"I can't convinced the admin na ibigay sa'kin ang personal information ng transferee na iyon. She said that no one is allowed to see the information of that girl." maarteng sagot naman nito. "And why not? Wala akong natatandaan na may rules about that."

"I don't know. Wala na siyang sinabi."

"Arggg! That old maid. I hate her." nanggagala-iting turan ng babaeng may brown at straight na lampas balikat na buhok. Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakatalikod siya sa gawi ko.

"I have this feeling there something about that girl, and i will find out whatever it is."

"So what's the next plan?" tanong naman ng babaeng may cute na headband habang may lollipop na sinisipsip."

"Let's just go for now. I will think another plan." sabi nito na naka-cross arms. Pumasok na sila sa Arts building after that.

Ano kayang kailangan nila sa akin? Bakit nila gustong makita at makuha ang personal information ko.

"Okay class I have a good news." panimula ni Sir Agustin our Math professor na ngiting ngiti. Natauhan ako sa aking iniisip ng marinig ang prof. namin. Itatanong ko na lang kay Lina baka kilala niya ang mga babae na iyon. "I already have the result of your quizzes yesterday."

"Oh crap!"

"I'm doom man."

"I'm sure kulelat na naman ako d'yan."

"Hindi ko napaghandaan 'to, Tama kaya mga sagot ko do'n?"

Sabay sabay na reklamo nila. Ako kaya, anong result? Sana kahit nakalahati ko man lang 'yung tamang sagot okay na ako do'n. Piping dasal ko habang nakapikit at pinagdaop ang dalawang palad.

"Sir I have a question."

"Yes, Mr. Martinez?"

"Did Ms. Salvador pass the quizzes?"

"Tss!" 'yun lang ang reaction ni Renz.

Napamulat ako sa itinanong niya kay Sir Agustin at napalingon sa kanya. Bakit 'yung sa'kin ang itinanong niya kay Sir? Nakita ko naman na nakangiti ito sa'kin. Hindi ko tuloy mahulaan kung nang aasar ba siya o normal na sa kanya yan. Nasa akin na naman tuloy ang lahat ng atensiyon nila.

"Vince are you ready to give me that ferrari of yours?" ani Kuya James na nakangisi kay Jimenez

"Don't be so sure Rogers. Your Lamborghini is mine now." maangas na sabi naman ni Vince dito.

Ayan na naman yang mga pustahan nila. Ang sasarap nilang tirisin talaga. Mga kulugong 'to. Napasimangot na lang ako.

"What was that? Did I missed something?" naguguluhan na tanong ni Renz kay Niko na nginisian lamang siya.

"Kapag ako nakapasa kokotongan ko talaga ang mga 'to." narinig kong tumawa si Niko sa likuran ko. Inirapan ko nga siya. "Anong meron Patty?" baling naman sakin ni Renz.

"Kwento ko sa'yo mamaya kuya Renz. Kainis talaga ang mga 'to." nakita kong natigilan siya sa sinabi ko. Saka ko lang narealize ang sinabi ko. Tinawag ko siyang kuya. "I-I mean ano. Ahm! H-huwag mo na pansinin ang s-sinabi ko sa'y---" "It's okay. Kuya na lang itawag mo sa'kin Patty." putol niya sa iba ko pang sasabihin habang siya ay nakangiti. Hindi ako naka imik agad sa sinabi niya. Hindi siya nagalit sa'kin bagkus pinayagan pa niya ako na tawagin siyang kuya. Ang saya

naman.

"Okay! Gentleman stop that betting and listen." sabi naman ni sir habang inaayos ang mga papel sa table niya. Masayang hinintay ko na lang ang result ng quizzes namin. "Don't worry dahil pasado naman kayong lahat. That's the goods news."

Nagsigawan ang mga kolokoy dahil sa sinabi ni Sir. Nakahinga naman ako ng maluwag sa narinig. Pasado ako. Ngiting ngiti tuloy ako. Panigurado matutuwa sila Dad kapag nalaman nila.

"At ang isa pang good news..." natahimik kaming lahat. May isa pa?

"May bago ng rank 3. Napalitan na si Mr. Jimenez."

Whut? Anong sinasabi ni Sir? Anong Rank 3?

"Ms. Salvador come here." nagulat ako kasi tinatawag ako ni sir. Hala, bakit kaya? Nakita ko lahat sila nakatingin sa'kin at nakangiti. Anong meron? Nakakahiya tuloy. Dahan dahan akong tumayo sa upuan ko at nakayukong lumapit kay sir. "Palakpakan natin siya dahil siya na ang bagong Rank 3." nakangiting sabi ni sir habang pumapalakpak. "Jimenez galingan mo next time, mukhang magaling ang bago niyong classmates." Nakangiting turan ni sir habang nakatingin sa'kin. Vince just shrugged his shoulder sa sinabi ni sir.

Like... what??? Hindi ko maintindihan, naguguluhan ako. Ni isa wala akong naririnig na nagsalita sa kanila. Ano ba ang meron?

"Sir ano po ang ibig niyong sabihin?" mahinang bulong ko sa professor namin.

"Hindi mo ba alam ang tungkol sa ranking dito?"

"Wala po akong idea."

"Bawat quizzes and test may rangking na magaganap. Doon niyo malalaman kung sino sa inyo ang may pinaka mataas ang nakuhang score. At doon din namin pagbabasehan ang mga magiging grades niyo." paliwanag ni sir sa'kin. Ganoon pala 'yun. Ang galing naman.

"Rogers, give me the key of your Lamborghini. I told you it's mine now." sabi ni Vince kay James na nakangisi pa rin. Napaisip ako dahil sa nakikitang expression ni Vince. Bakit masaya pa rin siya kahit na nakuha ko ang rank niya? Ang weird

naman.

"Crap. Okay here's the key." sabi ni James na hinagis kay Vince ang susi ng kontse niya na ngayon ay kay Vince na. Wala man lang pang hihinayang na mababakas sa mukha. Mga rich kid nga naman.

"Congrats Ms. Patty Salvador. Keep it up." sabi pa ni Sir Agustin na ngiting ngiti bago lumabas ng room namin. Nagpasalamat naman ako sa kanya. Nagulat naman ako ng bigla magpalakpakan silang lahat habang mga nakangiting nakatingin sa'kin.

Just a heads up: is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

"Paano ba yan mali tayo ng inakala ky Ms. Salvador. Minaliit natin ang kakayahan niya." turan ni chinito guy. Ang cute niya magsalita ng tagalog.

"Congrats Patty. Ang galing mo." Ngiting ngiti si kuya Renz sa'kin. "Salamat kuya Renz." sabi ko naman sa kanya.

"Ms. Patty congrats." Jimenez extended his hand to shake hands with me. Nagulat ako ng nasa harapan ko na ito.

"S-salamat Mr. Jimenez. "tinanggap ko naman ang pakikipagkamay niya sa'kin.

"Vince na lang, masyadong pormal ang Jimenez." turan pa nito habang hawak pa rin ang kamay ko. "Hindi ako nagkamali sa naramdaman ko sayo. Salamat nagkaroon ako ng Lamborghini in no time." natatawang sabi nito sa'kin at tumingin kay James. Napasimangot ako sa sinabi niya. Tumayo ako upang kotongan sana siya kaso matangkad pala siya.

"Vince pwede ka bang yumuko kahit saglit lang?" napakunot ang noo niya sa sinabi ko pero sumunod naman siya.

"Ouch! What was that for?" reklamo niya sa ginawa ko habang hinihimas ang ulo na nasaktan. Malakas na kinotongan ko lang naman siya. Hindi ko alam na masyado siyang masunurin.

"Para yan sa ginawa niyong pustahan tungkol sa'kin." nakasimangot na turan ko sa kanya.Content © copyrighted by NôvelDrama.Org.

"Whoa! Nice one ms. Salvador. Lugi ka ngayon Vince." sabi ni James na tawang tawa sa itsura ni Vince ngayon. Nagulat siya ng nasa tapat na niya ako. Malapit lang naman ang upuan niya sa pwesto namin. At dahil nakaupo naman siya abot na abot ko ang ulo niya.

"Aw, ouch! Ang sakit. Bakit kasali ako?" nakakunot ang noo na tanong niya sa'kin habang hawak din ang ulo na tinamaan ng kamao ko. "Ang amasona mo naman Ms. Salvador." sabi pa nito.

"Dalawa kayong nagpustahan sa'kin, kaya kasali ka at hindi ako amasona." sagot ko naman sa kanya na nakasimangot pa rin.

"Teka, hindi lang naman kami ang mga nagpustahan ah. Si Niko at Clark kasali din." aniya habang hinahanap kung nasan yung dalawa na binanggit niya.

"Pinapatawag pala kami sa office sabi ni Sir Agustin. Sige bye!" nakangiting paalam nung dalawang si Niko at Clark na nasa pinto na.

"Huy! Bumalik kayo dito. Tatakas lang kayo eh." sabi ni James na nagmadaling tumayo at hinabol 'yung dalawa. Napuno ng tawanan ang loob ng room namin dahil sa kanila. Mga pasaway, napapailing na lang ako habang naglalakad na pabalik sa upuan ko.

Biglang bumagal ang lakad ko ng makita sa upuan nito si Prince. Hindi naman siya nakatingin sa'kin pero bakit ganito, tinatambol ang puso ko. Makita ko lang siya bigla na lang magiging abnormal ang tibok ng puso ko. Ano ba kasi 'to? Namula ako sa nakikitang expression niya. Bahagya siyang nakatungo at nakangiti. Ang gwapo niya talaga. Pero bakit lagi ko siyang nakikita na nakayuko at nakangiti? Kapag naman nakatingin sa'kin ang seryoso niya.

Nagmadali na akong umupo sa upuan ko baka bigla pa akong himatayin sa sobrang tibok ng puso ko kapag tumingin pa siya sa'kin, mahuli na naman niya ako.

Pero naisip ko lang. Sino kaya ang Rank 1 at Rank 2? Hindi ko nga inasahan na sa angas at may pagkamayabang na si Vince nasa Rank 3 siya noon bago ako dumating. Kaya naman hindi ko maisip kong sino sa kanila ang nangunguna. Kaya dapat hindi ko sila husgahan dahil lang sa nakikita ng mga mata ko sa panlabas nila.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.