Chapter 10
Chapter 10
“NGAYON LANG ako makikiusap sa ‘yo, Adam.”
“What is it? Kahit na ano, sweetheart.” Inabot ni Adam ang mga kamay ni Selena na nakapatong sa
mesa. “Just tell me.”
Sunod-sunod na napahugot ng malalim na hininga si Selena bago dahan-dahang kumawala mula sa
pagkakahawak ni Adam. Hindi niya alam kung imahinasyon niya lang o talagang dumaan ang kirot sa
mga mata nito. Gayunman ay nagpakatatag siya. Nauubos na ang oras. Kulang dalawang bwan na
lang bago ang kanilang kasal at nai-annouce na ang petsa niyon sa mga dyaryo.
Nauna pang ma-interview tungkol roon ang excited niyang ama at ang ina ng binata kaysa sa kanila na
mga ikakasal mismo. Kailangan niya na ng kooperasyon ni Adam. “Help me stop the wedding.”
Natulala si Adam. Ilang minuto ang lumipas bago ito nakabawi. “Pero Selena-“
“I thought I already made things clear with you the night I left at the restaurant months ago, Adam?
Hinihintay ko na ikaw ang mismong magsabi sa mga magulang natin pero wala kang ginagawa.
Tinawagan na rin kita tungkol rito but you always avoid the subject. What are you really up to?” Napu-
frustrate nang wika ni Selena.
Hindi niya pa pwedeng banggitin ang tungkol sa relasyon nila ni Dean sa kahit na kanino maliban na
lang kay Chynna na siya lang pinagsabihan niya at siyang nagpakita ng tuwa para sa kanya. Dahil
mapapahamak si Dean. Kailangan niyang palabasin na mutual decision ang nangyari sa kanila ni
Adam at umasa na pakikinggan sila ng mga magulang nila dahil kung hindi, sa kauna-unahang
pagkakataon ay kakailanganin niya nang sumuway sa mga ito.
Naging mabuting anak siya mula pa pagkabata. Ang utos lang ng ama na maging bahagi ng kompanya
nila ang siya lang sinuway niya. Sa tulong ng ina ay pinalagpas iyon ng kanyang ama.
Pero ang pag-atras ni Selena sa kasal… hindi niya alam kung palalagpasin pa rin iyon ng ama. Inamin
niya na sa kanyang ina na ayaw niya nang ituloy ang kasal nila ni Adam. Naunawaan naman siya nito
pero wala na raw itong magagawa dahil sa mga ganoong sitwasyon ay ang mga salita ng kanyang
ama ang batas. Her mother had always regarded herself weak. Tagasunod lang raw ito sa mga
sasabihin ng kanyang ama.
Kung may nagustuhan man si Selena kahit paano sa mga sinabi ng ina, iyon ay ang katotohanang mas
gusto raw nito si Dean kaysa kay Adam. Pero ang ama niya ang makakalaban niya kung itutuloy niya
raw ang lihim na relasyon sa binata. Dahil itinuturing ng ama na sabit lang si Dean sa pamilya Trevino.
Hindi si Dean ang orihinal na tagapagmana kaya malabong ibigay ng ama sa kanila ng binata ang
basbas nito. Damn their unbelievable beliefs!
Ngayon na-realized ni Selena ng husto ang bigat ng pinasok niya, ang bigat ng pagiging isang Avila at
ang bigat na hatid na maiugnay sa mga Trevino lalo na at para bang mas pinahahalagahan ng mga ito
ang arranged marriage. Arranged marriage din ang sa mga magulang ni Adam pati na ang sa kanya.
Nagpapakasal ang mga ito hindi dahil sa pagmamahal kundi para ma-secure ang kayamanan ng mga
ito. Pathetic.
Kung may isa lang sanang hindi natakot na sumuway noon sa nakakairitang bagay na iyon, sana ay
nalaman ng mga ito ang tungkol sa pag-ibig. Hindi gaya ngayong sumara na ng husto ang puso ng
mga ito at puro pera at kapangyarihan na lang ang iniisip.
Kung datirati ay balewala sa kanya na sumunod sa ganoon, ngayon ay iba na. Lalo pa at may isang
lalaking hindi man magsalita ay alam ni Selena na nasasaktan sa tuwing may mga oras na kailangan
nilang magkita ni Adam para sa wedding details. At ang isa pang nakaka-frustrate sa kanya ay si Adam
mismo. He was being the man she had dreamed for him to be only now.
Araw-araw ay nagpapadala ng kung ano-anong stuff toys at mga regalo si Adam sa opisina ni Selena
na ang iba ay binibili pa nito mula sa ibang bansa. May mga pagkakataon pang nangharana ito sa
kanya kasama ang ilang mga sikat na personalidad sa bansa. He would often call her just to say good
morning or good night.
Madalas ring magpadala ng mga pagkain si Adam sa kanya, mga pagkain na paborito niya at parati ay
may nakalagay pa roong note na sulat-kamay na mismo ng binata na nagsasabing inalam na raw
mismo nito ang mga paborito niya. Hindi na raw iyon ideya pa ni Dean. Sariling sikap na raw nito iyon
at ito pa mismo ang kasama ng chef sa paghahanda. At para maniwala si Selena ay may pagkakataon
pang nag-send si Adam ng video sa kanya na nagluluto ito habang binabati siya.
He was driving her crazy. Hindi na maintindihan ni Selena si Adam. Kapag tumatawag ang binata at
sinasabi niya rito ang tungkol sa pag-urong niya sa kasal ay bigla na lang itong iiwas at magdadahilan
na may mahalaga itong meeting kaya sa ibang araw na lang nila iyon pag-usapan. Pero ngayon ay
hindi na pwede sa kanya ang ganoong rason. Kaya pumayag na siyang pumunta sa date na sinasabi Owned by NôvelDrama.Org.
nito nang gabing iyon. God…
Ilang ulit nang nag-suggest si Dean na humarap na sila sa mga magulang niya at sa mag-inang
Trevino pero malaking sugal iyon masyado para rito lalo na ngayon. Nakapag-usap na sila ni Chynna
tungkol sa plano. Mayroon silang ginawang plan A to C. Hanggang C lang at todo na iyon. Ayaw niya
na hangga’t maari na paabutin pa roon.
Ang plan A ang kausapin ang mga magulang niya pero napakalabong umubra niyon. Ang plan B ay
ang hikayatin si Adam na pareho silang umatras sa kasal at kung magiging matagumpay iyon,
pagkaraan ng ilang bwan ay saka niya ipapakilala si Dean bilang boyfriend at bahala na pagkatapos.
Nananalangin rin si Selena na magising na si tito Bernardo dahil sa palagay niya ay malaki ang
maitutulong nito sa kanila. Hindi kaila sa kanya ang pagmamahal nito para kay Dean. Nakasisiguro
siya na kahit paano ay mauunawaan sila nito. At ang plan C… ay ang pagtakas.
“If this is about the ATC, I don’t think that you really need to worry, Adam. Masyado nang matagal ang
pinagsamahan ng mga Avila at Trevino. Nagsimula pa ‘yon sa mga abuelo natin. I don’t think my father
will really cut ties with the Trevinos just because our wedding wouldn’t take place anymore. Nag-iisang
anak si daddy at hindi niya na kakayanin pa ang mag-solo ng kompanya at pamahalaan iyon lalo pa at
hindi ko naman siya matutulungan ro’n. Besides, daddy has to consider the board members decision
as well. Dad will need the Trevinos just as you will need the Avilas in the industry. Kaya nakikiusap ako
sa ‘yo-“
“At nakikiusap rin ako sa ‘yo, Selena. Give us another chance. Oo, aminado ako na tungkol ito sa
business noong simula. Pero hindi na lang ito tungkol doon ngayon. Actually, the ATC was the least of
my concerns now. Hindi ko na alam ang gagawin ko.” Napahawak si Adam sa noo noo. Ngayon lang
ito nakita ni Selena na naglaho ang composure. “I can’t get you out of my mind these past few weeks.
Iyong mga ginagawa ko simula nang iwan mo ako sa restaurant noon, ngayon ko lang ‘yon ginawa.
“Looking at you now with that distant expression on your face is shaking the hell out of me. You know
about realizing a person’s worth the moment he or she is gone? Iyon mismo ‘yong nangyayari sa akin
ngayon na nagkakaganito tayo. Selena, nakahanda akong magbago. Actually, sa palagay ko,
nagbabago na ako. Bigyan mo ako ng isa pang pagkakataon. Hayaan mo ako na patunayan sa ‘yo
kung gaano ka kahalaga sa akin. This time, I really want us to get married. Marry me and I will make up
to those times that I’ve hurt you.”
“Dapat pala ay noon pa ako nawala sa ‘yo para noon mo pa na-realized ‘yan.” Napahugot ng malalim
na hininga si Selena. “Pero huli na, Adam. I appreciate this a lot but I’m sorry. I can’t marry you
anymore.”
“May iba na ba?” Halos pabulong na tanong ng binata.
Gustong-gusto nang umamin ni Selena pero sa huling sandali ay pinigilan niya ang sarili. Hindi pa iyon
ang tamang panahon. “Wala. It’s just my heart, Adam.”
“Then maybe I can make you change your heart again.” Matipid na ngumiti ang binata pero ang mga
mata nito ay punong-puno ng determinasyon. “Kukumbinsihin ko siya na ako na lang uli. I’m sorry, too,
Selena. Pero hilingin mo na ang lahat ‘wag lang ito. Because whenever I look at you now, I started to
look forward to something. And this is the first time that this happened to me. I started to get excited
about the wedding. At ilalaban ko ‘yon. Ilalaban ko ‘yong kasal natin.”
Kung noon siguro sinabi ang mga iyon ni Adam ay baka nagtatalon na si Selena sa tuwa o lumalakad
na sa ulap nang mga sandaling iyon. Bakit ngayon pa nagkakaganoon si Adam? Bakit hindi nagtagpo
ang mga puso nila noon? Hindi gaya ngayon na puro gratitude na lang ang nararamdaman niya na
naririnig niya sa wakas ang mga ganoong salita mula sa lalaking una niyang minahal. Pero bukod roon
ay wala na.
Oh, God. Plan C na lang po ba talaga ang pag-asa?