Pieces of You

Chapter 20 Bad Boy



"Do we really have to do this?

Walang gana kong tanong kay Geille habang hinihintay siyang matapos sa pagpipili ng mga dress at ballgowns.

Hindi pa ito nakukuntento kahit pa hindi na mabilang sa daliri ang mga pinili nitong gowns na susukatin.

"Definitely." Plain na sagot ni Geille habang busy sa pagtitingin sa gown.

Halos hindi na nga rin magkandaugaga ang mga saleslady sa pagkuha ng mga pinili ni Geille.

Kasalukuyan kaming nasa boutique na pagmamay-ari ng Tita ni Geille. So she is not bothered if she dare choose all the gowns to fit. Kahit pa ang iba sa mga nagsisilbi sa kanya ay mukhang nawawalan na rin ng pasensya. Napabuntong-hininga na lang ako habang nakaupo sa harap ng salamin.

"And that one, too. I like that one in dark green, okay?"novelbin

Tumango ang saleslady habang tinatanggal sa mannequin ang gown na huling pinili ni Geille.

Sparkling, shining and simple ball gowns are all over us. The boutique is huge pero halos mapuno nga pati ang bangkong inuupuan ko ng mga gown na pinili ni Geille para sa gaganaping ball sa susunod na linggo. "Ilang ball ba ang i-aattend mo at ganyan karaming ball gown ang napili mo?"

Ngingiti-ngiti itong tumingin sa akin at saka umupo sa tabi ko.

I yawned at her presence. Gusto ko pang matulog. Paano ba naman ay nauna nang matulog sila matapos naming maglaro ng spin the bottle at manood ng movie.

I sleep over Geille's house. The three of us, actually. Magkatabi kaming natulog ni Geille while Nathan was in their guest room.

Nabobother lang ako sa presensiya ni Geille dahil sanay akong si Abby ang nakakatabi ko. And her, snoring didn't help either.

The house, it's big and new to me kaya magdamag akong gising. Ilang beses na ba akong napuyat ng ganito?

I am mentally and physically tortured.

"You look exhausted and ugly."

Imbes na sagutin niya ako ay kinutya pa ako nito. Ang sama. Napabusangot lang ako at saka tinitigan ang sarili sa isang malaking salamin sa harap namin.

She examined my face as though I was a criminal. She raised my hair up in the air at saka umiling-iling. I just make a face at her na siyang ikinatawa nito.

"Look, I picked all those gowns not just for me to fit. Alam ko naman kasing kung ano lang ang makita mo ay 'yun na rin ang susuotin mo kaya ako na ang pumili para sayo. Girl up! Aish! Kaya walang nagkakagusto sayo e." Pinalo ako ni Geille sa braso and that made me whimp. Ang lakas ah!

Tsaka duh. May nagkagusto na kaya sakin. Palibhasa siya ang daming nakakafling e.

"Excuse me?” Hindi makapaniwalang itinuro ko ang sarili at napaubo.

She raised a brow at me at saka hinintay ang aking sasabihin.

Rebutt?

Hays. Nagpangalumbaba na lang ako at hinayaan na lang siya. Wala na rin namang saysay kung sasabihin ko pa kung sino. Dahil hindi na rin naman ako makakabalik dun.

"See? That is why we really need this!" Eksaheradang sigaw sa akin ni Geille.

Tinakpan ko ang tenga ko at baka mabingi pa ako dahil sa boses niya.

Bigla niya na lang ako hinila patayo at saka tinulak papalapit sa harap ng salamin. I saw myself reflecting in the mirror. Naka-turtle neck ako na ash gray, skinny jeans at white sneakers while I let my hair sway freely.

Okay naman ang itsura ko, masyado lang talagang OA itong kaibigan ko. She wears a golden yellow tube paired with a denim revealing her flat flawless belly, faded blue jeans at converse shoes. Her costume is hip that made her slay. She's a natural beauty at malakas ang fashion sense.

Me? I'm keeping it lowkey the way I want it. Nakakapagod magbihis. I don't like the idea na magpapalit-palit ng damit at pipili kung saan o ano ang babagay at magtitiis na isuot iyon kahit hindi ko naman gusto.

But this, I guess I should take it into consideration.

"It's time for a total make-over."

She patted my shoulder habang itinataas-baba ang kilay. I am not really into her idea but for the sake of the ball, I should look better.

We stayed for about two hours sa boutique and I was so hungry I wanted to sneak out when Geille's not looking. Plus, I really want to lie myself in bed. Para na akong lasing e. Konti na lang at gegewang-gewang na akong maglakad. I can't even feel my feet on the ground. Para akong nasa hangin.

Just right in time, Nathan came in the scene na may dalang burgers and drinks. Nakita niya akong nakasalampak sa upuan habang papikit-pikit. He sneaked out something from the paperbag ar iniabot ito sa akin.

Iniabot ko naman ito na nanlalaki pa ang mata. Geez! This what I really need right now.

"Thank you." Sumimsim agad ako sa mainit na kapeng barako na iniabot sa akin ni Nate. Ah. I love the smell.

"Mukhang tinorture ka yata ng kaibigan mo." Natatawang wika niya habang inilalapag ang mga dala niya sa mesa sa harap namin.

He sat right next to me while taking a sip at his bubble tea. Nakajeans ito at nakasweatshirt na kulay gray. He looks so cool in his outfit. Di ko tuloy mapigilang mapatingin sa kanya.

Sumimsim ako ng kape habang nakatitig kay Nathan na may hinuhugat sa kanyang beltbag.

I gasped when he laid his head comfortably on my lap. Pansin ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

"Huy. Alis!" Niyugyog ko ang aking hita ngunit hindi man lang nagpatinag ang lalaki.

I became stiff when I felt his head leaning on my lap. Geez. Bakit ba pabigla-bigla na lang itong gumagawa ng bagay na ikinagugulat ko?

"5 minutes." He said plainly while his eyes shut.

Pagkakataon naman iyon para sa akin na titgan ng mas malapitan ang kanyang mukha. He has pale and flawless skin, brows that are like the colors of his hair-brilliant black, long eyelashes, pointed nose, thin cherry lips and a perfect jawline, Geez. Talking about perfetion.

Napasinghap naman ako at nataranta nang bigla nitong iminulat ang mata at bkangkong nakatingin sa akin. My heart raced at the moment he stared at me the way he only did.

"You look idiot with that gown on." Walang galang na sabi nito.

Mula hiya ay naging inis ang nararamdaman ko kaya pinalo ko siya sa kanyang noo.

Umaray naman ito nang dumapo ang palad ko sa kanyang noo. Napalakas yata ang palo ko. At dahil nag-alala ako ay bigla kong inilapit ng muka ko sa noo niya, ngunit ganoon n alang ang gulat ko nang biglaan siyang bumango at nagkadikit ang aming mga labi.

Sa gulat ko ay naitulak ko ito kaya nahulog siya sa sahig. Ulit ay nagulat ako sa ginawa ko. Hays.

"Damn. That's two at once."

Hawak nito ang balakang habang dumadaing sa pagkakahulog nito. Tumayo ako at saka iniabot ang aking kamay. Nangalay na lang ako ngunit hindi niya pa rin tinanggap ang alok ko.

He's only staring blankly at me, na para bang sinusuri ang kabuuan ng aking mukha. So I straightened myself and drew back my hand. Naconscious ako at nahihiya kaya naghanap ako ng palusot. "I-Ikaw kasi!"

I turned my gaze onto something. Kahit saan basta huwag lang sa kanya dahil naiilang ako.

"You should've not told me that I looked idiot. I-I know, I am!"

Pumiyok pa ang boses ko ng tinangka ko siyang sigawan kaya napatakip ako ng mukha. Aish! Pati boses ko panira e.

"Tsk."

Lost in the world of this story? Make sure you're on Ñe5s.org to catch every twist and turn. The next chapter awaits, exclusively on our site. Dive in now!

I heard him click his tounge kaya sumulyap ako sa kanya. He was smirking. Abnormal.

Once I saw his intimidating eyes, hindi na ako nakapagsalita pa. Kusang umurong ang dila ko at uminit bigla ang pisngi ko.

"And would you believe what I'd say?"

He smirked the time he got up from his feet. So I raised my head up to look at him. Ngayon ko lang napansin na masyado pala siyang matangkad.

"Yes." Tugon ko rito na at nagpameywang.

Umiling-iling lang ito habang nakangiti. He grabbed his bubble tea and took a sip.

"You know, you shouldn't. I lie more often."

When he said that, I felt blood rushed into my face.

My heart raced when he winked at me.

"So that's what you do to fish girls, huh? Lying around, playing and break their hearts?"

I saw him stiff in his position while he draw the straw on his wet cherry lips. Napasobra yata ako.

Bigla naman akong kinabahan. He shifted his gaze at me, staring in the depths of me.

Lumapit ito sa akin ng dahan-dahan so my initial reaction was to walk backwards. Just when I thought I still have something to walk on, I tripped and fall on the couch.

Nathan took the opportunity to trap me with his arms, leaving me nowhere to escape. This is not happening.

Ramdam ko ang pagbilis ng tibik ng puso ko, ang hindi natatarantang isip at namumulang pisngi.

He leaned closer to me so close I can feel his breath on my skin. Napahawak tuloy ako sa aking labi, the accidental kiss we had is still on rampage inside my mind. Dama ko ang labi nitong malambot at mamasa-masa.

Kaya iniwas ko ang aking tingin dahil ayaw kong ipakita sa kanyang natatarantang ako at kinakabahan.

“I'm a bad boy, Yssen. You know it. But I don't have any girls in my life nor I play with their hearts. I lie to suppress my feelings. Dahil hindi ko alam kung paano pa pipigilan ang sarili ko kapag nasabi ko sa kanya ang totoong nararamdaman ko. But since you said that, I might take honesty into consideration." What's this? Is he confessing?

He was like an alarm that he caught my attention. My sight was with him. I can see through his eyes, words that are kept hidden. Even feelings waiting to unveil.

He must've kept it for a long time kaya hanoon na lamang ang mga mata nitong puni ng emosyon.

I've never seen his eyes for so long like this and when I did, parang ayaw ko nang bumitiw pa ng tingin. Parang may kung anong humihila sa akin. Kuryosidad. Alam kong may gusto pa iyong sabihin ngunit nagaalangan lang na ipagsabi.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.