Chapter 1: Prologue
Chapter 1: Prologue
Nevada, USA
“I, LEVI, choose you, Denise, to be my wife. In front of our friends and family, I promise to love and
cherish you through every obstacle that may come into our path.”
Maggy tried hard to suppress her tears. Isang selebrasyon ang ipinunta niya sa simbahan at
ipinangako niya sa sariling hindi siya iiyak. Pero parang hiniwa ang puso niya nang makita ang
pagguhit ng matamis na ngiti sa mga labi ni Levi habang titig na titig sa ngayon ay asawa na nitong si
Denise. Sa kanya lang dati nakalaan ang ngiting iyon at ang nakikitang kislap sa mga mata nito, para
sa kanya dati iyon.
Talagang hindi siya dapat umiyak. Dahil ginusto niya ang mga nangyari. Hinayaan niyang makawala si
Levi kapalit ng kanyang misyon.
Mariing nakagat ni Maggy ang ibabang labi. Dapat ay nagpapahinga na siya sa isang hotel nang mga
sandaling iyon dahil ilang oras na lang ay nakatakda na ang pagbabalik niya sa Pilipinas. Pero sa halip
ay naroroon siya para saksihan ang pagpapalitan ng mga pangako ng mga ikakasal sa isa’t isa. Gusto
niyang sa huling pagkakataon ay makita ang dating boyfriend at kumbinsihin ang sarili na tama ang
ginawa niyang pagpapalaya rito.
Levi had finally found his match.
At base sa nakikita ni Maggy na pagmamahal na nakarehistro sa mga mata ng bride, alam niyang
tama ang kanyang naging desisyon. Nagmamahalan ang mga ikinakasal. Iyon naman dapat ang
mahalaga. Nang makitang isinusuot na ni Levi ang singsing sa daliri ni Denise ay mabilis at walang
ingay na tumalikod na siya at lumabas ng simbahan. Dumeretso siya sa nakaparadang kotse ng
matalik na kaibigang si Clarice na kasalukuyang nananatili ng ilang araw sa Nevada nang mga
sandaling iyon kasama ang halos tatlong linggo pa lang na asawa nitong si Alano. Nasa business
conference ang huli kaya nasamahan siya ni Clarice nang araw na iyon.
“I can’t believe you actually let someone steal your man,” napapailing na bungad ni Clarice nang
makasakay na si Maggy sa kotseng nirentahan ng kaibigan.
Muling nanikip ang dibdib niya. “Mas marami pang importanteng bagay na dapat pagtuunan ng pansin
kaysa sa pag-ibig, Clarice. You damn well know that. Hangga’t hindi natin napababagsak si Benedict
McClennan, hindi ako kahit kailan matatahimik.”
Nang paandarin na ni Clarice ang kotse, sa kahuli-hulihang pagkakataon ay nilingon ni Maggy ang
simbahan. Mayamaya ay sumandal siya sa kinauupuan at mariing ipinikit ang mga mata. Pumasok sa
isipan niya ang nakitang ngiti sa mga labi ni Levi habang nakatitig sa bride nito. She breathed painfully.
Sa kanyang pag-alis, babaunin niya sa puso ang ngiti nitong iyon.
“Then why on Earth did you have to watch your ex-boyfriend’s wedding?”
“Para matuldukan ko na ang lahat ng namagitan sa amin. I had to pine for the last time.” Mapait na
ngumiti si Maggy. “Perhaps I would have a shot of the strongest liquor once I get back to Manila. Pero
hanggang doon na lang ‘yon dahil misyon muna bago ang lahat. Ikaw…” Dumilat siya at binalingan ang
kaibigan. “Hindi mo pa ba nakukuha ang shares sa kompanya nila? Wala ka pa bang napipirmahang
kahit na anong dokumento? Wala ka pa bang nalalaman tungkol kay Benedict? Kailan ba matatapos
ang kasal-kasalan n’yo ni Alano? Goodness, Clarice,” naipilig niya ang ulo. “Just the thought of you
married to the man makes me want to puke.”
Nag-iwas ng mga mata si Clarice at itinuon na lang ang buong atensiyon sa pagmamaneho.
Kumunot ang noo ni Maggy nang mapansing biglang natensiyon ang kaibigan. “May problema ba?”
“W-wala naman. Hindi ko pa nakikita si Benedict. At wala pa rin akong napipirmahang kahit na anong
dokumento. Pero bigyan n’yo pa ako ng oras at sinisiguro kong makakakuha na rin ako ng
impormasyon.”
“Good. But better hurry, all right? Para makawala ka na kay Alano.” Mayamaya ay marahas na
bumuntong-hininga si Maggy. Hindi na sana sila makokompromiso pa sa mga anak ni Benedict kung
hindi lang sumablay ang karma sa gawain nito. Sa hindi na mabilang na pagkakataon ay tumindi ang
galit sa puso niya.
Gagawin niya ang lahat makaganti lang sa taong nagpapatay sa mga magulang nila ng kakambal.
Hindi siya titigil hangga’t hindi nasisingil si Benedict. Sisiguruhin niyang magbabayad ito nang malaki
sa kasalanan sa kanya. NôvelDrama.Org: owner of this content.
Kaya Austin, humanda ka. Your father took me to hell over and over again for the past years. And I
swear, I’d take you there as well.
Naikuyom ni Maggy ang mga kamay. Hindi na sana aabot pa sa ganito ang lahat kung ginawa lang ng
karma nang maayos ang trabaho nito.
You are one lucky bastard, Benedict. Karma seems to be on a sick leave for the past years. Pero `wag
kang mag-alala. Dahil sa pagbabalik ko, sisiguruhin kong ako ang magiging karma mo.