The Fall of Thorns 2: Austin McClennan

Chapter 17



Chapter 17

ISANG malakas na sampal ang bumungad kay Austin pagpasok sa master’s bedroom, ang magiging

kwarto na nila ng asawa simula sa araw na iyon habang hindi pa natatapos ang ipinapatayo niyang

bahay nila. Nag-iwas siya ng tingin kay Maggy nang makita ang pagrehistro ng pinaghalo-halong sakit,

galit, at pangangastigo sa mga mata nito. It wasn’t so hard to guess that she now knew the truth.

At least it happened after the wedding, mapaklang naisaloob niya.

Hinanap ni Austin si Maggy sa ibaba nang sa wakas ay pakawalan na siya ng mga kapatid. Nang

lapitan niya si Alano para kausapin ay pinakiusapan niya ang huli na ihatid na muna pabalik sa

Olongapo ang mga magulang at kinabukasan ay nangako siyang susunod din kaagad para doon na

harapin ang ina. Content is property of NôvelDrama.Org.

He was so scared that seeing his parents, most especially his father, would trigger some of Maggy’s

memories. Lalo pa at damang-dama niya ang namuong tensiyon sa katawan ni Maggy nang makita

nito ang kanyang ama. Iyon ang dahilan kung bakit sinadya niyang huwag na munang ipaalam sa mga

magulang ang tungkol sa kasal. Malalapit lang na kaibigan sa negosyo ang inimbitahan ni Austin. Ang

buong akala niya ay magtatagal pa sa planta ang panganay na kapatid ayon na rin sa sinabi nito

noong tawagan niya kaya kampante siyang ituloy ang kasal sa mansiyon para na rin sa kaligtasan ni

Maggy.

But Ansel came back the other day. Nawala rin ito kaagad nang malaman ang tungkol sa kanyang

kasal. Iyon pala ay pinuntahan nito ang kanilang mga magulang sa Olongapo at sinundo. At kani-

kanina lang ay nilapitan siya ng kapatid at kinastigo sa pamba-bypass umano niya sa kanilang mga

magulang. Pinalabas niya na lang na para na rin sa seguridad ng ama kung bakit hindi niya pinaluwas

ang mga ito dahil ilang beses nang nakatanggap ng death threats ang kanilang ama bago pa man nila

ito itago sa publiko, isang excuse na kahit paano ay kunot pa rin ang noong pansamantalang tinanggap

ni Ansel.

“Naaalala ko na ang lahat ngayon. Bakit, Austin? Bakit mo ginawa ‘yon?” Pumiyok ang boses ni Maggy

kasabay niyon ay pinagsusuntok siya nito sa kanyang dibdib.

Tinanggap ni Austin ang galit ng asawa, matagal niya nang inihahanda ang sarili sa bagay na iyon.

Pero hindi niya naihanda ang sarili sa sakit na nakikita sa mga mata nito.

“Hindi pa ba sapat ang mga kasalanan ng ama mo sa pamilya ko para dagdagan mo pa ng mga

panloloko mo? And then came the stupid wedding. Damn it, Austin! How dare you take advantage of

the situation?”

Pinigilan na niya ang mga kamay ng asawa nang magsimula itong magwala. Sa ginawa ay napansin

niya ang mga daliri nito. Parang tinusok ng patalim ang dibdib niya nang hindi na makita ang singsing

nito roon, singsing na kanina lang ay buong saya niya pang isinuot sa asawa.

“Tell me the damn truth! I need to know that at least before I leave!” Humagulgol si Maggy. “Bakit ang

sama-sama ninyong mag-aama? Ano ba’ng kasalanan namin sa inyo? You are just as cruel as your

father!”

Maggy’s every tear broke his heart. Hell. Ano nga bang rason ang ibibigay niya rito? Na natakot siyang

mawala ito sa buhay niya? Na dahil sa pagmamahal kaya niya nagawa iyon? Suddenly, it hit him.

Tama si Maggy. He was probably just as cruel as his father. Inilayo niya ang asawa sa kapatid nito, sa

mga tao at bagay na pwedeng makapagpaalala rito ng tungkol sa nakaraan nito.

“I just wanted to show you life’s other side,” halos pabulong na sagot ni Austin pagkaraan ng

mahabang sandali. “Na mula sa pagiging estranghero’t estranghera ay nagkakilala tayo at minahal

natin ang isa’t isa. The things I showed you when you suffered from amnesia, those were supposed to

be how things about us would flow had my father not ruined everything. We could have gotten married

and have our own happy ending.

“It’s crazy but I just wanted to show you what could have happened to us if you didn’t leave that

morning, if you chose to forgive. Nagmamahalan naman kasi talaga tayo, Maggy.” Nagsimulang mag-

init ang mga mata ni Austin. “I’m sorry. Sabihin mo nang masama ako pero ginamit ko ang

pagkakaroon mo ng amnesia para masolo kita nang walang Benedict na nakapagitan sa ating dalawa.”

Sa wakas ay unti-unting tumigil si Maggy sa pagwawala pero dinig na dinig niya pa rin ang impit na

pag-iyak nito.

“Walang apelyidong mahalaga, walang nakaraan na nakakasakit, walang mga magulang na nadawit at

nasaktan. I tried my damnest to create ourselves a fairy tale because I know, once your memories

come back, our real story will happen. You would leave despite our love and we’d separate ways again,

never knowing what could have happen if we didn’t.”

Kumawala si Maggy mula sa pagkakahawak ni Austin. Nanghihinang naupo ito sa kama. “I hate you,”

bulong nito sa basag pa ring boses pero naglaho na ang diin doon. “I hate you so much.”

“I know and I love you, Maggy,” sagot ni Austin sa kabila ng tumitinding sakit sa kanyang sistema. “I

love you so much.”

PATULOY pa rin sa pagtulo ang mga luha ni Maggy. May bahagi sa kanya ang nauunawaan na kahit

paano ang ginawa ni Austin. Nadagdagan ang hapdi sa kanyang puso. Tama ang asawa. Ang mga

nangyari sa kanila sa nakalipas na mga buwan, ganoon dapat ang natural na takbo ng relasyon nila

kung hindi lang dahil sa panirang nakaraan.

Ang kilig na naramdaman niya noong wala pa siyang maalala, ang saya sa kanyang puso noon, iyon

ang ikalawang mukha ng pag-ibig, kabaliktaran sa nakikita nila ngayong puro pait at pasakit sa

realidad.

Nang mahalin ni Maggy si Austin sa kabila ng amnesia niya, para siyang nabuhay uli. Bumalik siya sa

pagiging bata, bumalik din ang dati niyang disposisyon sa buhay. He made her suddenly yearn for her

old self. Lahat ay magaan. Even with the missing pieces in her life, each day back then was filled with

hope and with her love for the man that she was not supposed to have.

Ang buong akala niya noon ay tapos na siya sa kanyang pagluluksa pero hindi pa pala. Dahil mula

nang mapasuko ni Austin ang puso niya ay walang-hanggang pagluluksa na ang naramdaman niya. It

felt almost a tragedy, a different kind. Damn it, she felt like Juliet in Shakespeare’s story.

“I am so, so, sorry, sweetheart.” Lumuhod sa harap ni Maggy si Austin at isinubsob ang mukha sa

kanyang mga palad na nakapatong sa kanyang mga hita. “Masama ba na maghangad ako ng

kakaibang buhay at kwento para sa ating dalawa? Masama bang hangarin ko na maging masaya tayo

pansamantala?”

Gumalaw ang mga balikat ng asawa, palatandaan ng pagluha rin nito. Naipikit niya nang mariin ang

mga mata. Humihiyaw sa sakit ang kanyang puso. Gustong-gusto niyang abutin ang binata pero

nananatili pa rin ang katotohanan na anak ito ng mismong taong pumatay sa kanyang mga magulang.

Sobra-sobra na ang mga dalahin sa puso niya para magpadaig pa sa pagmamahal para sa asawa.

Hindi niya na nakuha ang hustisya para sa mga magulang, hindi niya na nakuhang ipaglaban ang

pagkawasak ng kanyang pamilya. Sobra na kung mananatili pa siya sa tabi ni Austin sa kabila ng mga

bagay na iyon.

“That day, when I thought everything was collapsing right before me because I couldn’t remember a

single thing, I saw a man, a handsome one.” Walang-buhay na ngumiti si Maggy. “He was looking at

me with such tenderness in his eyes. Little did I know that he was actually the man I’m in love with.

Siya pala ang dahilan kung bakit ginusto kong umalis noon. Nginitian niya ako at sa kung anong himala

ay napanatag ako. Nang mga oras na ‘yon, alam ko sa puso ko, na kakaiba ang lalaking iyon.”

Dahan-dahang nag-angat ng ulo si Austin. Sumalubong kay Maggy ang mga mata nito. Bumigat ang

kanyang paghinga nang makita ang pagluha nito.

“Tama ka. During those struggling moments, you have really created a story almost as close to a fairy

tale. Sa buhay na nilikha mo, naging bagay tayo kahit paano. Iyon ang buhay na minsan kong

pinangarap para sa ating dalawa at na-appreciate ko iyon, Austin. Sobra.” Ikinulong niya ang mukha ni

Austin sa kanyang mga nanginginig nang palad. Marahang pumikit ito at mayamaya ay ipinaibabaw

ang mga kamay sa kanya na para bang dinadama ang init mula roon.

“Inalis mo ako sa lahat ng sakit na dulot ng totoong mundo. But we can’t keep pretending, can we? We

can’t keep living the kind of life that isn’t really meant for us. This is no fairy tale, Austin. Siguro ‘yon

ang dahilan kung bakit bumalik na ang alaala ko. Dahil panahon na para gumising tayo at harapin ang

realidad.”

Kumawala na si Maggy mula sa mga kamay ni Austin at tuluyang lumayo rito. Napasulyap siya sa

kanyang wristwatch. Alas-otso pasado na ng gabi at gaya ng napag-usapan nila ni Yalena ay alam

niyang naghihintay na ito sa kanya sa labas. Inamin niya na rito ang mga nangyari noong nagkaroon

siya ng amnesia. Lalo pang tumindi ang galit nito sa mga McClennan pati na kay Austin sa ginawa

umanong panlilinlang sa kanya.

Katulad ng inaasahan ni Maggy, kahit si Clarice ay hindi nakaligtas sa galit ng kapatid. Magtutuos daw

ang dalawa sa tamang oras, ayon na rin kay Yalena. Napahugot siya ng malalim na hininga. Hindi na

dapat pang malaman ni Yalena ang nararamdaman niya para kay Austin.

Tumayo na si Maggy. Sa pag-alis niya ay wala siyang ibang babaunin sa mansiyon na iyon dahil wala

siyang pagmamay-ari roon maliban sa pantalon, blouse, relo at sapatos niya nang mga sandaling iyon

na siya ring suot niya nang mangyari ang aksidenteng sandaling bumago sa kanyang buhay.

Natagpuan niya ang mga dating gamit sa isa sa mga drawers sa dating kwarto na inokupa niya sa

mansiyon.

“I’ll just send the annulment papers through my lawyer,” ani Maggy sa mahinang boses. “Good-bye,

Austin.”

Lumapit na si Maggy sa pinto at pipihitin na sana ang doorknob nang maramdaman ang biglang

pagyakap sa kanya ni Austin mula sa kanyang likuran.

“`Wag ka na munang umalis, utang-na-loob. Delikado para sa `yo. Hindi pa nahuhuli ang taong—”

“Tinutugis na ng mga pulis si Lester, my assistant’s ex-live-in partner.”

Nang malaman ni Yalena kung sino ang taong sanhi ng kanyang aksidente ay ginamit nito ang

koneksiyon sa mga kakilalang naglilingkod sa gobyerno na nakilala umano nito noon sa Nevada.

Nagpatulong ang kapatid sa mga iyon para hanapin si Lester. Nangako ang kakambal na hindi titigil

hangga’t hindi nabibigyan ng karampatang parusa si Lester at hangga’t hindi ito naibabalik sa

kulungan.

“Ako ang nagpakulong sa kanya noon sa tulong ni Yalena. Gusto niya lang maghiganti. Pero hindi mo

na kailangang mag-alala pa ngayon. I don’t have any reason to keep staying here.”

Tatlong oras ang ibinigay sa kanya ng kakambal para ayusin ang mga dapat ayusin sa mansiyon bago

sila bumalik sa Nevada. Sa loob ng tatlong oras na iyon ay patuloy siyang pinadadalhan ng text

messages ni Yalena. Ibinigay sa kanya ng kapatid ang cell phone nito bago sila naghiwalay sa comfort

room kanina. Hindi niya alam kung paano nangyaring nakapasok din doon si Radha sa higpit ng

security pero kasama umano ni Yalena ang tauhan niyang iyon.

Nang huling tawagan si Maggy ng kakambal ay ipinaalam nito na may mga pulis sibilyan na mag-e-

escort sa kanila papunta sa bahay ng isang kakilala nito.

Kakilala nito ang misis ng business tycoon na pupuntahan nila. Mayroon umanong pagmamay-ari ang

mag-asawa na private jet na maghahatid sa kanila pabalik sa Nevada.

Tatlo sila nina Radha at Yalena na magbabalik doon. Sumang-ayon na rin si Maggy sa plano. Wala na

rin naman na siyang ibang mapupuntahan. Nevada was her home. At sa lugar na iyon siya mas ligtas.

Nang humigpit ang pagkakayakap sa kanya ni Austin ay mapait siyang napangiti. Sino ang niloloko

niya? Austin’s arms were her home… and always will be.

“This is insane but despite what happened, I still think you belong in my arms, Maggy. At araw-araw

mula sa sandaling ito ay maghihintay ako sa pagbabalik mo sa buhay ko… sa puso ko. I will hold on to

our vows—”

“Then you will be waiting for the rest of your life,” namamaos nang sagot ni Maggy. Sa pagkakataong

iyon ay gusto niya na ring magalit sa mundo. Kahit kailan ay hindi siya niyon binigyan ng pagkakataong

tuluyang maging masaya. She had been hurting and suffering for sixteen years. Hanggang kailan ba

siya masasaktan? Hanggang kailan ba mahihirapan ang puso niyang kaunti na lang ay bibigay na?

“I don’t mind,” ani Austin. “Ang sabi nila, makapangyarihan daw ang pagmamahal. Maghihintay ako

hanggang sa dumating ang araw na iyon ang mananaig sa puso mo. Go,” marahang sinabi nito sa

basag na boses. “Sa pag-alis mo, umasa kang dala mo ang puso ko. I’m hoping it will guide you back

to my arms, one day. I love you so much, Maggy.”

Mariing nakagat ni Maggy ang ibabang labi para pigilan ang paghikbi. Inalis niya na ang mga braso ni

Austin sa kanyang baywang at nagmamadaling umalis ng kwarto. Sa back door na siya ng mansiyon

nagdaan. Nasalubong niya pa ang nagtatakang anyo ng mga kasambahay roon pero nagdere-deretso

lang siya.

Napahugot siya ng malalim na hininga paglabas niya ng mansiyon. Muling pumatak ang kanyang mga

luha. “Mom and Dad, help me. I need your guidance once more. Gustong-gusto ko nang lumaya,

gustong-gusto ko nang sumaya. Pero ang hirap…” Napatitig siya sa kanyang daliri na kanina lang ay

may suot pang wedding ring. Iniwan niya na iyon sa kwarto. Ayaw niya nang manatili pa iyon sa kanya

dahil patuloy lang niyang maaalala si Austin dahil doon. “Ang hirap-hirap.”


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.