Chapter 6
Chapter 6
“DO YOU still think about him?”
Napahinto si Maggy mula sa pamimili ng mga damit nang bigla na lang itanong iyon ni Austin. Kunot
ang noong nilingon niya ang binatang katabi. Walang makikitang pagkainip o pagkailang sa mukha nito
kahit pa ilang boutique na ang pinuntahan nila. Dahil alam niyang ayaw nito sa mga maiingay at
matataong lugar ay madalas na nananadya pa siya.
Isinasama niya si Austin kapag nagpupunta siya sa supermarket, kapag nanonood siya ng sine o kaya
ay kapag gusto niyang maglakad-lakad lang sa kalsada at ngayon nga ay niyaya niya itong mag-ikot sa
mall.
She knew that it was not what she was supposed to do. She should make him desire her more by
avoiding the things he didn’t like. Pero ilang araw nang hindi niya mapigilan ang sarili. Gusto niyang
makita ang binatang mainis kahit minsan at lumayo sa pagiging mabuti nito dahil ayaw man niya ay
naaapektuhan na siya kahit paano ng konsensiya niya.
Austin was too kind for her. Hindi karapat-dapat si Benedict na magkaroon ng isang anak na gaya ng
binata. Hindi niya alam na posible pala ang ganoon, na magkaroon ng mala-anghel na anak ang
masahol pa sa kampon ng dilim na ama nito.
Noong nakaraang mga linggo lang ay nagprisintang sumama sa kanya ang binata papunta sa ospital
kung saan dinala ang lola nina Lily at Maya, ang dalawang batang nakita nila noon na naglalako ng
basahan. Nang malaman ni Austin na mayroon pa palang anak ang lola ng mga bata na nagtatahi ng
mga basahan na inilalako ng dalawa ay binigyan ng binata ng maliit na negosyo ang mga iyon.
Tinupad nito ang tindahang hiling ng lola at tiyahin nina Lily. Ito na rin ang nagprisintang magbigay ng
full scholarship sa mga bata sa tulong ng McClennan Corporation.
Sa susunod na pasukan ay makapag-aaral na ang mga bata. Sa ngayon ay nasa bahay na muna ng
mga ito sina Lily at tumutulong sa pagtitinda sa bagong sari-sari store habang suma-sideline pa rin sa
pananahi ang tiyahin ng dalawa. Ang lola naman nila ay iniuwi na matapos itong matingnan ng doktor
na nagbilin lang na kailangang ma-maintain ang mga gamot ng matanda.
Maggy wanted Austin to stop being nice for once. Sa oras na mainis ito at makita niya ang paglabas ng
totoong ugali nito ay umaasa siyang lulubayan na siya ng konsensiya niya na panira sa kanyang
misyon. Ang mga magulang niyang pinatay ng ama nito ang kanyang ipinaglalaban at hindi iyon ang
tamang panahon para umiral ang sundot ng kanyang konsensiya na kailan lang nalaman ni Maggy na
meron pa pala.
Pero palagi siyang nabibigo. Dahil mukhang nasisiyahan pa si Austin sa mga ginagawa nila. She would
always catch him smiling fondly at her. The warmth and understanding in his eyes were a lot to take
most of the times. Tuwing kasama niya ang binata ay paulit-ulit niya itong pinalalabas sa comfort zone
nito. But he seemed to be enjoying every bit of it. Damn it.
“Who?” tanong ni Maggy nang sa wakas ay sumagot.
“Your ex.”
Natigilan siya at napatitig sa asul na mga mata ni Austin na hubad na sa salamin nang mga sandaling
iyon. Mula nang sabihin niya sa binata na mas bagay rito ang walang salamin ay inalis na nito iyon.
Noon niya natuklasang wala naman palang grado ang suot nitong salamin. Totoong malabo daw ang
mga mata ni Austin pero luminaw na iyon nang sumailalim ito sa laser surgery bago pa man daw
nagpunta sa Pilipinas. Sadyang hindi lang ito sanay na walang salamin kaya nagsusuot pa rin niyon.
But then he immediately stopped. Just because of what she told him. She sighed. Hindi niya inaasahan
na magiging ganoon kalaki ang epekto niya sa binata.
Dapat ay maging masaya si Maggy. Lahat ay nangyayari ayon sa kanyang mga plano. Mukhang
patuloy siyang ginagabayan ng mga magulang. Kung tutuusin ay walang kahirap-hirap na napasok
niya ang tahimik na mundo ni Austin. But she could not celebrate completely.
Austin probably had the purest heart that she had ever encountered. May mga pagkakataon na
naaalarma siya kapag naiisip na isang araw ay posibleng mabalot ng kadiliman ang puso nito,
kadilimang alam niya na nakuha niya mula mismo sa ama nito. The thought that his heart would break
scared her at times.
“Maggy?”
Nang hindi pa rin siya makasagot ay mabilis nang nag-iwas ng tingin si Austin. Pero bago iyon ay
nahuli niya pa ang paglungkot ng mga mata nito. At hindi siya dapat maapektuhan. But heck, she was.
Tatalikod na sana ang binata nang tawagin niya. Wala nang mababakas na emosyon sa anyo nito
nang humarap uli sa kanya.
“Naiintindihan kita, Maggy. Huwag mo akong alalahanin. I was just... A little upset. But this will pass.”
Ngumiti ang binata pero hindi iyon umabot sa mga mata nito. “Hihintayin na lang kita sa labas.”
“Sometimes, I think of Levi when I’m alone,” sa halip ay sagot ni Maggy. Totoo iyon sa loob niya.
Paminsan-minsan na lang niya maalala ang dating boyfriend. May kaunting kirot pa rin siyang
nararamdaman pero napapalitan iyon nang hindi maipaliwanag na damdamin kapag si Austin ang
sumunod na naiisip niya.
Dahil umaga’t gabi ay nagkikita sila ni Austin. Ang binata pa rin ang huling kausap niya sa telepono
bago siya matulog sa gabi. Ang tawag din nito ang gumigising sa kanya sa umaga. He would call just
to wish her a sweet dream and every morning, he would call again to greet her and to remind her that
life was beautiful, as he always say. Kaya bihira nang may maisip pa siyang iba.
Austin’s face dominated her mind. Mula sa itim na itim na buhok nito hanggang sa malamlam na kulay-
asul na mga mata, malalagong kilay, matangos na ilong at natural na mapupulang labi. And then she
would often find herself thinking about the kisses that they had shared.
“Do you catch yourself thinking about him when you’re with me?” Uncertainty filled Austin’s eyes.
“It was hard to think of anything else when you’re with me, Austin,” muli ay totoo sa loob na sagot ni
Maggy. Nang makita niya ang pagkinang ng mga mata ng binata ay napangiti na lang siya. Ibinalik niya
na ang atensiyon sa mga damit.
Kung tutuusin ay marami naman siyang baong damit. Hindi niya na kailangan ng karagdagan pa. Pero
gusto niyang malaman kung hanggang saan ang pasensiya ni Austin sa kanya. Bukod pa roon ay ito
rin ang parating nagpupumilit na gumastos sa mga pinamimili niya kaya walang problema.
“How about you? Ang akala ko ba ay ayaw mo sa mga maiingay at matataong lugar? Bakit ka sumama
sa ‘kin ngayon? You even voluteered to come when I told you last night that I’d go shopping today.”
“Dahil mahirap na patuloy ayawan ang mga lugar kung saan ka naroroon. As long as I’m with you, I
don’t care if I’m at the loudest place on Earth.”
Muling natigilan si Maggy sa pagsuyong narinig sa boses ng binata.
“Whenever I’m with you, I feel alive. I just like to be anywhere you wanted to be, Maggy. It makes me
alive. It makes me happy.”
Nahinto sa pagdaloy ang mga alaala ni Maggy na mula pa noong nakaraang linggo nang marinig niya
ang pag-ring ng kanyang cell phone. Pagsilip niya sa screen niyon ay ang pangalan ni Austin ang
nakarehistro. Marahas siyang napabuga ng hangin bago sumasakit ang ulo na itinuloy na ang
paglabas sa kanyang unit. Nagpunta siya sa bahagi ng gusali kung saan naroon ang swimming pool.
Apat na araw na silang hindi nagkikita ni Austin. Kailangan daw nitong personal na silipin ang
pagmiminang nagaganap sa bahagi ng Visayas para siguruhing maayos ang takbo ng itinayong
interconnected water system doon. Apat na araw niya na ring hindi na muna sinasagot ang mga tawag
ng binata dahil nalilito na siya sa sarili.
Mahigit apat na buwan na ang nakararaan simula nang una nilang pagkikita. Maayos na tumatakbo
ang lahat lalo na at ipinangako ni Austin na ipakikilala na siya nito sa wakas sa mga magulang nito sa
susunod na linggo. Mukhang mauunahan niya pa si Clarice na matagpuan si Benedict.
When Maggy, Yalena, and Clarice started the plan, all they had in mind was to destroy Benedict in
whatever way they can. Wala silang pakialam kung sino man ang kanilang masagasaan. Tutal, ang
akala nila ay magkakaugali lang ang mag-aama, na pare-parehong dapat sirain.
Pero nagbago ang lahat nang makilala ni Maggy si Austin. Malayong-malayo ito sa ama. Hindi ito
makasarili. Kung tutuusin ay mapagbigay ang binata. Hindi maikakaila ang mataas na pagtingin kay
Austin kahit ng mga kasambahay nito nang magkaroon siya ng pagkakataong makausap ang mga
iyon.
Kahit sa mundo ng pagnenegosyo ay naroroon pa rin ang respeto ng mga taong nakapaligid kay
Austin. Nabasa niya iyon sa diyaryo kailan lang. Bukod doon ay wala ring napamalitang hindi naging
patas ang binata sa bawat transaksiyon na ginagawa nito. And that frustrated her all the more. She
could not find a single flaw in him.
Ano na ang nangyari sa isinumpa mo sa harap ng mga magulang mo, Maggy? Napahawak siya sa
kanyang noo na bahagya nang mainit nang mga sandaling iyon. Buong araw na masama ang
pakiramdam niya nang magising siya. Resulta iyon nang pagpapakabasa niya sa ulan noong Owned by NôvelDrama.Org.
nagdaang araw.
Naabutan si Maggy ng ulan nang bisitahin niya ang puntod ng mga magulang. Basang-basa na siya
bago pa man makarating sa kanyang kotse. Mariing naipikit niya ang mga mata. Pero tuksong lumitaw
sa isip niya ang nakangiting anyo ni Austin at ang mga titig nito na madalas ay punong-puno ng
pagmamahal.
Mabilis niyang naidilat ang mga mata. Utang-na-loob, Austin. Lubayan mo na muna ang isip ko.
Tinapik-tapik niya ang mga pisngi para gisingin ang sarili sa kahibangan. At nang hindi pa makontento
ay hinubad niya ang suot na robe at dere-deretsong lumusong sa tubig.
Mom and Dad, if you’re really guiding me, please help me focus. Yalena would hate me if she finds out
about this.