Chapter 1: Prologue
Chapter 1: Prologue
Dear Holly,
Before you came into my life, everything was colorless. But when I met you, you gave me one of the
most spectacular light shows observed on Earth: the rainbow, as Donald Ahrens put it. Sa isang iglap
ay napuno ng kulay ang lahat, napuno ng ganda. All I knew was black and white all my life yet, you
introduced me red, orange, yellow, green, blue, indigo and violet. Saka ko na-realized ang kahalagahan
ng mga kulay na iyon nang dumating ka. Pero dapat pala, hindi ko sinanay ang sarili ko sa mga
makukulay na bagay na iyon.
When you told me that we’d last, I believed you. And now, I’m broken because of that. Dahil tulad ng
isang bahaghari, naglaho ka rin. Pero ang tanga-tanga ko. Araw-araw pa rin akong naghihintay sa
pagdating ng bahaghari kahit na alam kong hindi naman iyon araw-araw na magpapakita. Everything in
my life had been stormy since you left. Please be like the rainbow that you are and appear in my sky
once more.
Holly, hindi ko alam kung anong nagawa ko. Saan pa ba ako nagkulang? Binigay ko naman ang lahat
pero nawala ka pa rin. Bumalik ka na, utang na loob. I’m not used with the black and white life
anymore. You shouldn’t have introduced me to the rainbow in the first place if you’re not going to stay
as you promised. Iwanan mo na siya. Sa akin ka na lang uli. Dahil hindi ko na kayang wala ka. I’ll die,
Holly.
Athan
Nagtagis ang mga bagang ni Aleron matapos mabasa ang sulat na ginawa ng nakababatang kapatid
para sa babaeng ginamit at pinaglaruan lang ito. Ni hindi na nito nagawang ibigay ang sulat na iyon. This text is © NôvelDrama/.Org.
Pinagmasdan niya ang kabuuan ng kwarto ni Athan. Puno iyon ng mga litrato ng dating girl friend nito.
Nagsikip ang dibdib niya nang mapatingin sa kama nito. Sa isang iglap ay bumalik sa kanyang isip ang
nasaksihang anyo roon ng kapatid noong nakaraang linggo.
Wala nang buhay si Athan nang madatnan ito ni Aleron sa townhouse nito. Naglaslas ito ng pulso.
Bukod pa roon ay nalaman niyang naibenta na rin nito ang ilang mga gamit nito roon gaya ng grand
piano nito at ang koleksyon nito ng mga paintings mula sa sikat na mga pintor. Nalaman rin ni Aleron
na wala nang laman ang bank account ng kapatid. Nang mabasa niya ang journal nito ay saka lang
nasagot ang mga tanong niya.
Napahugot si Aleron ng malalim na hininga. Sa lahat ng iyon ay isang babae lang pala ang puno’t dulo,
ang babaeng parating sinusulatan ng kanyang kapatid na nagngangalang Holly Lejarde.
All these for one woman? Damn it, Athan. Hindi ka na natuto. Nag-init ang mga mata ni Aleron. Ibinalik
niya ang mga mata sa isang nakakwadradong larawan sa bedside table. Pinakatitigan niya ang
nakangiting mukha ng babae roon. Napakaganda at napakainosente ng anyo ng babae. Sino ang
mag-aakala na sa likod ng mukhang iyon ay nagtatago ang isang walang pusong nilalang? I told you
never to fall for a woman’s innocence, Athan. Because that can lie. Pero nabiktima ka pa rin.
Lumapit si Aleron sa nakakwadradong larawan at iniangat iyon. “I don’t usually play games, Holly
Lejarde. But you have awakened the player in me. Hindi ka marunong maglaro ng patas. Pwes,
tuturuan kita kung paano.”