Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman

Kabanata 68



Kabanata 68

Biglang tumahimik sa loob ng kotse. Mapait na tumawa si Madeline sa pagod.

"Jeremy, kahit na hindi ka maniwala sa akin, paano naman si Lolo? Isa siyang wais na tao at maraming

karanasan sa buhay. Kung ganon ako kasamang tao, edi bakit siya pumayag na pakasalan kita? Bakit

niya ako aalagaan at malamig ang pakikitungo niya kay Meredith?"

Inakala niya na pag-iisipan ito ni Jeremy, ngunit sa sandaling tumigil siya sa pagsasalita, tumawa ito.

"Alam na alam mo kung bakit mo ako napakasalan at bakit malamig ang pakikitungo ni Lolo kay

Meredith."

Halatang sinasabi nito na palihim nagsisimula ng hidwaan si Madeline sa pagitan ni Old Master

Whitman at Meredith.

Subalit di niya naisip na kung gaano kalaling problema ang isang babaeng tulad ni Meredith na

ginustong maging isang kabit.

"Madeline, tama na ang pag-arte. Dadalhin kita kay Lolo ngayon na. Ipapakita ko sa kanya ang tunay

mong pagkatao."

Malungkot na ngumiti si Madeline. Ayaw na niyang magpaliwanag pa.

Ang pagkatao niya ay naging isang kasinungalingan ka kasuklam-suklam at hindi na maisasalba.

Dinala pabalik ni Jeremy si Madeline sa Whitman Manor at pwinersa siyang pumunta sa sala kasama

nito.

Nakaupo nang matikas si Old Master Whitman sa harapan nila. Mukhang malumanay ito.

Naluluhang umupo si Meredith sa tabi habang dinadamayan ito ng nanay ni Jeremy.

Nang makita ng nanay ni Jeremy si Madeline, tumayo ito at tinuro siya.

"Madeline, bakit ang sama sama mong pokp*k ka? Nagagawa mo pang saktan pati bata. Anong

nagawa sayo ni Meredith? Bakit mo yun ginawa sa kanya?"

Tinuro ng nanay ni Jeremy si Madeline at nagsimulang sumigaw.

"Noong nakaraang tatlong taon, inagaw mo ang kasintahan ni Mer gamit ang karumal-dumal na paraan

at ngayon ginagawa mo ito sa kanyang anak. Napakasama mong babae!"

Nang sabihin niya iyon, itinaas niya ang kanyang kamay at ihinawi pababa sa mukha ni Madeline.

"Tumigil ka."

Akala ni Madeline na di niya maiiwasan ang sampal. Subalit sa sandaling ito, narinig niya ang boses ng

old master.

Nakita niyang naglaho ang ngiti sa mukha ni Meredith. Tila ba hindi nito inasahan na papanig ang old

master kay Madeline sa sandaling ito.

Hindi rin ito inasahan ni Madeline. Content © copyrighted by NôvelDrama.Org.

"Pa, tinutulungan mo pa rin ang babaeng ito? Maging ang isang tigalabas ay hindi matitiis ang ginawa

niya!" Nagalit ang nanay ni Jeremy. "Kung hindi dahil sa pokp*k na ito, si Mer sana ang naging

grabddaughter-in-law mo. Binigyan niya pa tayo ng apo ngunit, kailangan niya pang pagdusahan ang

ganitong kalungkutan. Kailangan mo siyang ipagtanggol!"

Pagkatapos niyang sabihin iyon, nilakasn ni Meredith ang kanyang pag-iyak. Pagkatapos, dahan-

dahan niyang pinunasan ang kanyang mga luha.

"Old Master Whitman, di ako umaasa na maging granddaughter-in-law mo. Iniluwal ko ang batang iyon

para kay Jeremy. Ayaw kong makipag-agawan kay Maddie. Gusto ko lamang na sabihin mo kay

Maddie na tigilan na ang pananakit sa iyong apo."

Nakakabilib na talumpati. Naluluha na ang nanay ni Jeremy sa awa kay Meredith.

Gustong tumawa ni Madeline. Tinignan niya si Jeremy at nakita na tinitignan siya nito.

Nang magtagpo ang mata nila, mabilis na iniwas ni Madeline ang titig niya. Pagkatapos narinig niyang

umingit ang old master.

"Apo?" Sarkastiko pakinggan ang mga salita ng old master. "Kikilalanin ko lamang na apo ay kung

sinumang iluluwal ni Maddie. Siya ang manugang na legal na kasapi ng pamilyang ito "

Nang sabihin niya iyon, nanigas ang hangin sa paligid.

Walang nag-akalang sasabihin ito ng old master.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.