Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman

Kabanata 69



Kabanata 69

Tumigil si Meredith sa nakakaawa niyang pag-arte at naiilang na tumingin kay Old Master Whitman.

Malumanay ang mukha ng old master at ang asal niya ay marangal. "Isa kang babaeng nangialam sa

kasal ng iba at nagluwal ka pa ng isang anak sa labas nang buong tapang. Di ka lamang walanghiya

sa ginawa mo, sa halip ay ipinagmamalaki mo pa. Walang granddaughter-in-law ang mga Whitman na

walang respeto at pagmamahal sa sarili."

"..." kumirot ang sulok ng labi ni Meredith nang mababasag na ang peke at mahinhin niyang maskara.

Tila ba hindi niya inasahan na ganito ang tingin sa kaya ng old master.

Kaya pala ayaw sa kanya ng old master.

Nakita ni Madeline si Meredith na tinitikom ang kanyang mga kamao. Nahihirapn itong panatilihin ang

kanyang pagpapanggap, subalit, hindi pa rin niya maibaba ang kanyang mahinhin na maskara.

"Ama, wag mong sabihin yan. Si Madeline ang naunang nangialam sa kanilang dalawa. Siya ang kabit!

Kung di siya namagitan sa dalawa para pagplanuhan si Jeremy, kasal na sana si Mer at Jeremy

ngayon! Atsaka, dinakip niya pa si Jackson. Di niyo ito pwedeng balewalain!"

"Hindi ko dinakip si Jackson. Di ko din plinano ang nangyari noong nakaraang tatlong taon. Ako ang

biktima sa insidenteng iyon." Sinubukang magpaliwanag ni Madeline.

Tinitigan siya nang masama ng nanay ni Jeremy. "Umamin na ang Tanner na yun sa lahat tungkol sa

pagkakadakip kay Jackson at ang lakas pa ng loob mo na sabihing di mo yung ginawa? Halatang

pinagplanuhan mo si Jeremy noong nakaraang tatlong taon dahil minahal mo siya sa loob ng matagal

ng panahon ngunit di mo siya makuha.

"Kung di mo pinagplanuhan si Jeremy, edi bakit siya nakipagtalik sa iyo? Nakuhanan pa kayo ng mga

reporter. Plinano mo yun lahat! Madeline, ikaw ang pinakamasama at pinakamababang babae na

nakilala ko!"

"Sinuhulan si Tanner para gawin ito. Di ko siya kilala." Nang sabihin ito ni Madeline, tinignan niya si

Meredith. Pagkatapos nito, tumingin siya kay Jeremy. "Oo, gustong-gusto ko si Jeremy, pero di ako

gagawa ng ganun kasamang bagay para makuha ang isang lalaki dahil lang sa gusto ko ito." © 2024 Nôv/el/Dram/a.Org.

Tinignan niya si Jeremy, ang titig niya ay mahinahon. Pagkatapos, mapait siyang ngumiti.

"Subalit, nauunawaan ko nang malinaw ang lahat."

Malalim ang mga salita ni Madeline. Sumimangot si Jeremy at tumingin sa pekeng ngiti ni Madeline at

malalim din ang kanyang mukha.

"Lolo, salamat sa iyong pagtitiwala at suporta. Di ako nakatadhanang maging granddaughter-in-law ng

mga Whitman. Napag-isipan ko na ito at gusto ko nang hiwalayan si Jeremy."

Muling nagulat ang lahat sa sinabi ni Madeline.

Nasabik si Meredith. Sa wakas ay magiging legal na asawa na siya!

Nakita ni Madeline ang natutuwang ekspresyon ni Meredith. Subalit, nang sumulyap siya dito, nakita

niya si Jeremy na malalim ang kunot ng noo. Malungkot ang mukha nito at nakatitig nang maigi ang

mata niyo sa kanya ka parang kakainin siya nito. Ang mga mata nito ay malalim at nakakatakot.

Bumilis ang tibok nang puso niya nang makita niya ito, kaya kaagad niyang iniwasan ang titig ni

Jeremy.

"Dad, dahil iminungkahi niya ang pakikipaghiwalay kay Jeremy, edi dapat na pumayag ka dito." Hindi

ito mahintay ng nanay ni Jeremy na mangyari. Nakatingin din si Meredith sa kanya nang nasasabik.

Nagbingi-bingihan si Old Master Whitman at iniabot ang kanyang kamay kay Madeline. "Lumapit ka sa

akin."

Nang makita ito ni Meredith at ng nanay ni Jeremy, nanlumo sila.

Nagdalawang-isip muna sandali si Madeline, pagkatapos tinignan niya ang mabait at maamong mukha

ng old master. Sa wakas ay lumapit na siya.

Mabait na tumingin si Old Master Whitman kay Madeline. "May dalawang tanong ako para sa iyo,"

mahinahon niyang sinabi. "Gusto mo ba talagang hiwalayan si Jeremy at tumigil na bilang manugang

ng pamilya namin?"

Ito ang tanong. Tumingin si Madeline at Jeremy na may malagim na ekspresyon sa mukha nito.

Pagkatapos ay tumango siya. "Hindi ako karapat-dapat sa magiting na si Mr. Whitman."

Pagkatapos niyang sabihin iyon, nakaramdam si Madeline ng malamig na hangin na bumabalot sa

kanyang katawan. Nararamdaman niya na nagmumula ito kay Jeremy.

Tumango si Old Master Whitman matapos marinig iyon. Pagkatapos niyang tumingin kay Jeremy,

nagbibiro niyang sinabi, "Kung ganon, nakipagtalik ba sayo ang magiting na si Mr. Whitman matapos

siyang pwersahang ikasal sa iyo?"


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.