Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman

Kabanata 70



Kabanata 70

Hindi inasahan ng lahat sa kwarto na magtatanong nang ganito ang old master, maging si Madeline.

Ang maayos na tibok ng puso ni Madeline ay muling tumaas sa isang iglap. Hindi niya alam kung

paano sasagutin ang tanong.

Nakita ni Old Master Whitman ang namumulang mukha ni Madeline at naunawaan niya.

Mahinahon siyang ngumiti at itinaas ang kanyang ulo para tumingin kay Jeremy. Pagkatapos,

mahinahon siyang tumingin kay Meredith at sa nanay ni Jeremy na mga mukhang naiilang.

"Walang may karapatang sumira ng kasal na ito hangga't nandito pa ako!" Seryosong ipinahayag ng

old master.

Nakita ni Madeline na ang mukha ni Meredith ay kasindilim ng uling at napakalagim. Naisip niya na

siguro minumura na nito ang old master gamit ng lahat ng murang maisip nito.

"Miss Montgomery."

Ganito ang tawag ng old master kay Meredith dahil siya na ang dalaga ng Montgomery ngayon.

Pinilit ni Meredith na ngumiti. "Opo, Old Master Whitman."

"Naniniwala ako na di dinakip ng aking grandaughter-in-law ang iyong anak. Kung pinipilit mo na siya

ang may gawa nito, edi dapat makiusap ka sa isang tao na kausapin ang aking mga abogado."

"..." nanigas ang ngiti ni Meredith sa isang iglap.

Di niya inasahan na dedepensahan nang ganuto ng old master si Madeline!

Sobra na ito!

Paulit-ulit niyang tinatawag si Madeline na kanyang granddaughter-in-law, kaya nagseselos si Meredith

na nagulo na nang sobra ang mukha nito.

Nagulantang din ang nanay ni Jeremy. "Dad, nalilito ka ba? Andaming kasamaan na ang ginawa ni

Madeline. Paano mong-"

"Matanda na ako, pero di ako naguguluhan!" Sumagot nang malakas si Old Master Whitman. Hindi na

naglakas-loob na magsalita pa ang nanay ni Jeremy. Samantala, nanggigigil si Meredith ngunit di na

siya nagsalita.

"Gabi na. Jeremy, iuwi mo na ang asawa mo ngayon na."

Pahayag ito ng old master, at talagang masunuring naglakad si Jeremy papunta sa tabi ni Madeline

bago kunin ang kanyang kamay. "Umuwi na tayo."

Nang magdikit ang kanilang kamay, kusang lumundag ang puso ni Madeline.

Medyo malamig ang palad nito, ngunit nang dumikit ito sa palad ni Madeline, parang itong

nagbabagang bakal sa pakiramdam. Naiilang siya dito.

Nang makita ni Madeline ang nanlalaking mga mata ni Meredith, itinaas niya ang kanyang ulo at

ngumiti kay Jeremy. "Okay." Nagpanggap siyang tumango nang masunurin.

Pagkatapos nilang magpaalam sa old master, tahimik na sumunod si Madeline kay Jeremy.

Nang papunta sila sa kotse, nakaramdam si Madeline ng isang bola ng apoy na sumusunod sa kanya.

Lumingon siya para tignan ito at nakitang namimilipit sa galit ang mukha ni Meredith.

Natuwa si Madeline. Subalit biglang ihinawi ang kanyang kamay.

Inapakan ni Jeremy ang akselerador at galit na sinabi, "Madeline, minaliit kita. Anong pinainom mo kay Upstodatee from Novel(D)ra/m/a.O(r)g

Lolo kaya ganyan ka niya depensahan?"

Tumingin si Madeline kay Jeremy. Gwapo pa rin ito tignan mula sa gilid, ngunit ang pagkahinahon ay

hindi makita.

Nagsimula na namang umulan.

Ihinawi palikod ni Madeline ang mga ligaw na hibla ng kanyang buhok at matamis na ngumiti sa kanya.

"Anong kalokohan ang sinasabi mo honey? Kung may ganon akong gamot, sa iyo ko yun unang

gagamitin."

Pagkatapos niyang sabihin iyon, inapakan ni Jeremy ang preno.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.